Ang Pinoy Survivor ay nagsimula na noong Lunes sa Philippine TV Primetime. Naging exciting ang palabas dahil ang version na ito ay Pinoy ang mga contestants. Noong unang araw pa lamang marami na ang sumubaysay sa Pinoy Survivor at naging mataas daw ang rating nito.

Ngunit mas exciting daw ang show dahil sa iba’t-ibang pinanggalingan ng mga contestants. Merong Professionals hangang sa isang Yaya at Labandera ang nakapasok dito. Malamang susubaybayan ng madaming Pinoy Survivor fans ang show na ito dahil mula noong Lunes hanggang kahapon naging mainit ang labanan at palitan ng mga maaanghang na salita mula sa mga contestants.

Isang naging isyu dito ay ang pagiging mayabang “daw” ng isang lalaking contestant na si Marlon dahil daw dinadaan ang laro sa init ng ulo. Mapapansin nga ang pagiging mainitin ng ulo ni Marlon lalo na sa mga kasama nito kaya’t pinag-usapan siya ng grupo na iboto.

Kanina naalis si Chevyline “Chev” Macias. Isang negosyante ng ukay-ukay. Naging masama ang loob nito sa mga kasamahan bago umalis at sinabing “i hate you all” sa interview nito. Ang sabi nila meron daw attitude problem si Chev kaya siya ang pinagkaisahang alisin sa grupo.

Tiyak magiging mainit pa ang labanan sa Pinoy Survivor sa mga susunod na araw. Siguradong susubaybayan ito ng marami.

Ikaw sino sa tingin mo ang mananalong Pinoy Survivor sa natitirang 17 na contestants?

Anna Charisse Yacapin
Chevyline “Chev” Macias
Crisanto “Cris” Cartagenas
John Carlo “JC” Tiuseco
Kristina “Kaye” Alipio
Raymund Francis “Kiko” Rustia
Robert Vincent “Rob” Sy
Vevherly Gador
Zita Ortega
Veronica Domingo
Jervy “Patani” Daño
Maria Nona “Niña” Ortiz
Leona Rica “Nikki” Dacullo
Marlon Carmen
John Anthony Lopez
Reynaldo “Jace” Chanco Flores Jr.
Cesar “Gigit” Sulit
Emerson Dino